Mood:
Topic: Kwentuhan
bagong taon, magbagong buhay daw. pwede siguro itong mangyari kung ang tao ay may konsensya at may adhikain na maging mabuti ang kanyang pagkatao o ang kanyang buhay at kapaligiran. pero sa isang taong may makitid na kaisipan at walang hangaring mabuti, tuloy pa rin ang panggulong ng buhay na gaya ng dati, kung hindi man mas masahol pa sa dati.
hindi raw magbabago ang kulay ng gabi, lagi itong mananatiling itim. ano mang gawin mo, kung tsismosa ka at mapag-imbot, malamang na pagdating ng 2009, tsismosa at mapag-imbot ka pa rin. Kahit pa ipanalangin mo sa Maykapal na tulungan kang magbago. Dahil ito ang iyong pagkatao. Kung ano ka, iyon ka!
kaya kung magbabagong buhay ka, good luck na lang sa iyo
hapi nyu yir!!!